Advertisers

Advertisers

Bumbay, sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur

0 4

Advertisers

Nagtamo ng mga tama ng bala ang isang Indian national sanhi ng ambush sa Datu Hoffer sa Maguindanao del Sur nitong Huwebes ng hapon, October 24, 2024.

Kinilala ang biktima na si si Kamaljit Singh Toor, Indian national, at residente ng Tacurong City.

Sa ulat nitong Biyernes ni Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, minamaneho ng banyaga ang kanyang puting Toyota Innova pauwi sana sa Tacurong City mula sa isang lugar sa probinsya ng tambangan ng mga armadong motorista sa Barangay Labu-Labu sa Datu Hoffer.



Bagama’t sugatan, nagawa pang patakbuhin ni Toor ang kanyang sasakyan hanggang sa Barangay Kauran sa Ampatuan, Maguindanao del Sur at doon na siya nawalan ng kontrol ng manibela kaya ito lumihis sa highway, bumangga sa poste ng solar street light at nagawi sa isang bagong ararong sakahan.

Ayon kay Macapaz, agad namang nadala ng mga police at mga barangay officials sa isang hospital si Toor.

Ayon kay Macapaz, nagtutulungan ang mga operatiba ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at mga local executives sa probinsya sa pagtukoy kung sino ang mga armadong nag-ambush kay Toor.