Advertisers
NASAWI ang tatlo katao na sakay ng isang motorsiklo nang sumalpok sa pick up truck sa national highway sa Barangay Crossing Rubber, South Cotabato, Biyernes ng gabi.
Kinilala ni Tupi MDRRMO Emil Sumagaysa ang mga biktima na sina Rezile Joy Pareñas at Glykiel Jade Bico, kapwa guro; at Jonaira Ambaco, isang criminology student.
Sa imbestigasyon, naka-head on collision ng motorsiklo ang kasalubong na Toyota Hilux sa nabanggit ng lugar.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ng motor, parehong nagtamo ng matinding mga sugat sa ulo ang tatlong sakay nito na kaagad binawian ng buhay.
Boluntaryong sumuko sa pulisya ang driver ng pick-up.