Advertisers
SIMULA na ang paglalakbay ni Muay Thai fighter Islay Erika Bomogao matapos lumagda sa professional mixed martial arts promotion ONE Championship kamakailan lamang.
Ang 23 -year-old Bomogao ay nakatakdang lumaban sa kanyang pinakahihintay na debut sa 100-pound Muay Thai class kontra Fuu sa ONE Friday Fights sa Nobyembre 8, sa Lumpinee Stadium sa Bangkok, Thailand.
“Yep. I finally made it to ONE Championship,” Sulat ni Bomogao sa kanyang social media post.
Sa kanyang pagdating sa Chatri Sityodtong-founded organization, Bomogao ang naging unang homegrown fighter mula sa Pilipnas na makipagkumpetensya.
Ang pride ng Cordillera ay nagwagi ng mga parangal sa lokal at international Muay Thai tournaments simula 2017.
Inukit rin nya ang kanyang pangalan na kauna-unahang Filipina Muay Thai champion matapos gibain ang hometown bet Sarah Kwah sa Australia ilang buwang ang nakaraan.
Sa kanyang titulo, sinilyuhan ni Bomogao ang No.1 spot sa 45kg division ng international Federation of Muaythai Associations (IFMA) rankings.