Advertisers
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno na manatiling nakaalerto bilang tugon sa bagyong Marce.
Sa inilabas na pahayag ng Pangulo, sinabi nitong dapat simulan ang paghahanda sa maayos na sistema ng komunikasyon para sa mabilis na paghahatid ng babala at impormasyon sa publiko.
24 oras din na pinamo-monitor ng Pangulo ang lahat ng ilog, lawa, baybayin at anumang lagusan ng tubig sa bansa.
Habang ipinauubaya na niya sa mga eksperto ang gagawing hakbang sakaling may mga maapektuhan o umapaw na dam.
Dapat din aniyang ikasa ang lahat ng rescue equipment ng lahat ng ahensya ng pamahalaan na maaaring maaaring magamit, lalo na ang mga sasakyan.
Ipinag-utos din nito ang maagang paglalagay ng relief goods sa mga ligtas na imbakan para mabilis maipamahagi sa mga nasalanta.
Pina-standby din niya ang Department of Public Works o DPWH at Department of Transportation (DOTr) para sa road clearing operations gamit ang mga makinarya at mga truck.
Giit ng pangulo, bawat buhay ay mahalaga, kaya dapat paghandaan, at maging maingat sa paparating na bagyo. (Vanz Fernandez)