Advertisers

Advertisers

3 tulak timbog sa Caloocan

0 12

Advertisers

Nasa mahigit P760,000 halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles ang naarestona si alyas “Manny”, 54, (HVI), alyas “Tahar”, 48, tricycle driver”, at alyas “Tina”, 43, pawang residente ng lungsod.

Sa report, 11:29 ng gabi nang maaresto ang suspek sa Torsillo Street, Barangay 28, kasama ang dalawa pang suspek.



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 112 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P761,600.00, at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)