Advertisers

Advertisers

Hiling ni Mayor Honey sa mga nasunugan: makipagtulungan sa social worker para mabilis na magawa ang listahan ng mga tatanggap ng tulong

0 23

Advertisers

HINILING ni Manila Mayor Honey Lacuna sa may 2,000 pamilya na nawalan ng tirahan dahil sa malaking sunog na naganap sa mataong Isla Puting Bato at sa isang residential area sa Sampaloc nitong weekend na nakipagtulungan sa mga city’s social workers para magawa ang listahan ng mga tatanggap ng assistance mula sa city government nang mabilisan.

Sa kanyang mensahe sa kanyang pagbisita na agad din niyang ginawa sa evacuation center, hiniling ni Lacuna sa mga residente ang pasensya at pang-unawa tungkol sa proseso ng pagpapalista dahil marami silang masyado at ayaw niyang may makaligtaan, kasabay din ng kanyang pagtitiyak sa mga ito na makukuha nilang lahat ang posibleng tulong mula sa gobyerno.

“Pakiusap ko po, ‘wag po sana nating aawayin ang mga social workers dahil gusto po nating maisaayos ang lahat nang maibigay po kaagad sa inyo ang tulong para kahit paano ay makapag-umpisa na kayong muli. Wala pong may gusto ng nangyari at kami po ay narito para kayo ay damayan. Magpa-Pasko pa naman, ang gusto po namin ay makabalik na kayo kaagad sa inyong mga tirahan,”saad ni Lacuna kasabay ng pagtitiyak niya sa mga residente na agad ding darating ang tulong kapag natapos na ang pagpapalista.



SI Lacuna, na sinamahan sa kanyang pagbisita nina Vice Mayor Yul Servo, social welfare department chief Re Fugoso, comebacking first district Congressman Manny Lopez, Councilors Nino dela Cruz, Bobby Lim and Marjun Isidro candidates for Councilor Atty. Eugene Ang and Peter Ong, ay nag-alok pa ng panibagong evacuation site sa P. Guevarra para sa mas gusto ng malaking espasyo.

Nabatid mula kay Fugoso na nang magsimula pa lamang kumalat ang apoy ay agad na pinakilos ni Lacuna ang mga concerned city government units para sa probisyon ng pansamantalang tirahan , pagkain at basic necessities para sa mga inaasahang mawalan ng tirahan dahil sa insidente.



Habang sinusulat ang balitang ito, sinabi ni Fugoso na ang kabuuang bilang ng pamilyang nagparehistro na naging homeless dahil sa sunog ay umabot na sa 1,823.

Idinagdag ni Fugoso na base sa ulat na ipinadala sa kaniyang tanggapan, ang mga apektadong barangay sa Sampaloc ay ang Barangay 489 at 490 kung saan ang dahilan ng sunog ay faulty electrical wiring at may 24 pamilya ang naapektuhan. Samantala ay ongoing pa rin ang pagpapalista ng pamilyang nawalan ng tirahan sa Balut, Tondo. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">