Advertisers
ISANG A1 information ang nagsabing nasagad na ang limitasyon ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., sa mga Duterte.
Bagama’t sa una, pinahintulutan niya ang mga pang-iinsulto at ang banta na itatapon ang mga labi ng kanyang amang si Ex-Pres. Ferdinand Marcos. Sr., sa West Philippine Sea, at kamakailan sumobra na ang mga banta sa kanyang sari-ling buhay at asawa nitong si First Lady Liza Marcos.
Ayon sa ulat, inutusan na ni Marcos ang lahat ng may kaugnayang ahensya at ang kanyang mga kaalyado sa lehistratura na i-deploy ang lahat ng legal na paraan para tanggalin si Sara Duterte sa kapangyarihan at magsagawa ng buong pag-uusig laban kay Sara at sa ama nitong si Rodrigo Duterte.