Advertisers

Advertisers

Rhian todo-deny na lalayas ng Kapuso at lilipat sa Kapamilya

0 21

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

SI Rhian Ramos mismo ang nagbigay ng pahayag bilang paglilinaw sa kumalat na isyung aalis na siya sa GMA at lilipat na sa ABS-CBN.

Ikinagulat daw niya ang naturang balita.



“Yes, yes… ah officially po… actually ano e, narinig ko lang yung tsika nung pagbalik ko na from New York,” umpisang lahad ng aktres.

Dumalo sina Rhian at ang boyfriend niyang si Sam Verzosa sa New York City Marathon sa Amerika kamakailan.

Lahad pa ni Rhian, “So para bang may sumagot na rin pala on my behalf which is my manager Michael Uycoco.

“Never ko nabalitaan yung tsismis na yun nung nandoon ako.

“Nagulat na lang ako pagbalik ko at parang nasolusyunan naman din na.

“But yes, I would just like to confirm that it’s absolutely not true,” bulalas ni Rhian.



“I am doing a project with the Kapuso Network it’s called Encantadia Chronicles: Sang’gre, I’m very excited!

‘They gave me, yet again, another very challenging, very big, very beautiful role that I’m so proud to have and I’m happy where I am,” nakangiting pahayag pa ni Rhian.

Samantala, lead female star si Rhian sa pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan na palabas ngayon sa mga sinehan.

Leading men niya rito sina Tom Rodriguez at JC de Vera.

Sa direksyon ni Joel Lamangan, nasa cast din sina Pinky Amador, Rita Avila, Emilio Garcia, Jim Pebanco, Lloyd Samartino, Nella Dizon, Simon Ibarra, Tanya Gomez, Marcus Madrigal, Panteen Palanca, Mygz Molino, Felixia Crysten, at King David Arce.

Mula ito sa Bentria Productions ni Atty. Benjie Austria.

***

TINANONG namin ang Viva hunk actor na si Andrew Gan kung may lovelife ba siya.

“I’m happy and contented sa buhay,” tumatawang sagot niya sa amin.

At dahil eleksyon na sa Mayo sa 2025 at dahil uso sa mga artista ang tumatakbo tuwing eleksyon kaya tinanong namin si Andrew kung pumasok ba sa isip niya ang pasukin din ang pulitika.

“Actually yun nga, last year kinakausap ako ng mga kaibigan ko sa politics na gusto nila akong patakbuhin na councilor,” pakli ni Andrew.

“Pero ako parang feeling ko hindi pa ready yung character ko, pero hindi ko kino-close ang any door.

“Malay natin, di ba, sa next election, baka.

“At saka ako gustung-gusto ko talaga yung nakaka…genuinely ha, na nakakatulong sa tao, kasi iba yung pakiramdam, priceless.

“At naniniwala ako pag ginawa mo yun iba yung balik sa ‘yo.”

Sa ngayon ay busy si Andrew sa kanyang showbiz career at bukod sa pag-aartista ay isa ring negosyante si Andrew; si Andrew ang may-ari ng Releaf Massage and Nail Spa na matatagpuan sa 3rd floor ng Arbortowne Plaza sa Gen T. Karuhatan, Valenzuela City.