Ni Joe Cezar
INAMIN ni Nadine Lustre na first time niyang gumawa ng dark role sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) entry “Uninvited” kasama sina Aga Muhlach at Vilma Santos ngayong taon bilang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng MMFF.
Aniya sa grand press conference kamakailan, isang hamon ito sa kanyang kakayahan bilang artista.
“It is a huge change from all the roles I have done before. Everyone knows me from rom-coms and dramas, romance stuff,” ani Nadine.
Dagdag ng aktres, “my roles are always mabait na anak, palaban, pero para sa kanya, isang dream come true dahil gusto niya sa challenges.
Ayon sa aktres, “I wanted you to see, ‘ano pa kaya ang kaya kong gawin? Sobrang extreme from my previous characters, something I always wanted to do.”
Dagdag niya, “I love exploring. Hopefully, maging darker pa ang characters ko.”
Bukod kina Aga, Nadine at ang Star for all Seasons, kasama rin sa “Uninvited sina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles at Tirso Cruz III.
Ang “Uninvited” ay sa direksyon ni Dan Villegas at isinulat ni Dodo Dayao.
Produced ng Mentorque Productions at Project 8 Projects sa pakikipagtulungan ng Warner Bros. Pictures in cooperation with Warner Bros. Pictures.
Mapapanood sa mga sinehan sa December 25.
***
SPEAKING of Nadine Lustre, siyang itinanghal na Best Actress of the Year sa katatapos na 39th Star Awards for Movies na ginanap sa Winford Resort and Casino noong Nobyembre 24.
Nagpasalamat ang aktres sa kanyang director (Mikhael Reid, Viva Studio/Studio Films, parents, her boyfriend na si Chris (na maraming nakilig at sumigaw nang tawagin ng aktres ang pangalan ng kanyang boyfriend sa audience), supporters and mga tumangkilik sa “Deleter” , ang bumubuo ng “Deleter”, PMPC at Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!
***
KAABANG-ABANG ANG “IDOL”
IPALALABAS na ang pelikulang “Idol” (The April Boy Regino Story”) ng Premiere WaterPlus Productions.
Matutunghayan na ang mga dinanas sa buhay (masaya at hirap) ni April Boy bago maging Philippine Idol!
Kikiligin kayo sa love story nina Idol April Boy Regino at Madelyn de Leon-Regino.
Sina Tanya Gomez at Dindo Arroyo (bilang mga magulang ni April Boy) at sina John Arcenas (bilang April Boy) at Kate Yalung (Madelyn).
Si Efren Reyes Jr., ang director-writer ng “Idol: The April Boy Regino Story”, based sa life story ng singer-songwriter na si April Bariso Regino.
Ilan sa mga kanta ni Idol ay “Paano Ang Puso Ko”, “Kahapong Nagdaan” “Di Ko Kayang Tanggapin”, “Umiiyak ang Puso”, ang “Sana’y Laging Magkapiling at “Madelyn, Nag-iisang Ginto” at marami pa.
Ang “Idol: The April Regino Story” ay mapapanood sa Nobyembre 27 sa cinemas nationwide.