Pinoy adaptation ng Japanese drama serye na “Mother” sa produksyon ng Dreamscape Entertainment… “SAVING GRACE” NI JULIA MONTES, MAPAPANOOD SA PRIME VIDEO SIMULA NOBYEMBRE 28
MALAPIT nang masaksihan ang inaabangang serye comeback ni Julia Montes dahil unang mapapanood ang kanyang bagong drama series na “Saving Grace” ngayong Nobyembre 28 (Huwebes) sa Prime Video.
Mula sa mga naghatid ng hit Prime Video drama na “Linlang,” handog naman ng Dreamscape Entertainment ang makabagbag-damdaming adaptasyon sa 2010 Japanese drama serye ng Nippon TV na “Mother” na iikot sa tema ng pagmamahal ng isang ina habang isinasalamin din ang realidad sa likod ng mga pang-aabuso sa kabataan at kababaihan.
Dito masasaksihan si Julia bilang Anna, isang guro na hahamakin ang lahat mabigyan lang ng pangangalaga at pagmamahal ang isang bata na inaabuso ng sarili niyang ina.
Desperado na mabigyan siya ng tamang pag-aaruga, si Anna mismo ang dadakip sa kanyang estudyante na si Grace, na gagampanan ng promising child star na si Zia Grace.
Tampok din sa serye sina Sam Milby, Jennica Garcia, Christian Bables, Elisse Joson, Eric Fructuoso, Andrez Del Rosario, Adrian Lindayag, Aya Fernandez, Sophia Reola, Ramon Christopher, Mary Joy Apostol, PJ Endrinal, Emilio Daez, Karl Gabriel, Jong Cuenco, Daisy Cariño, Lotlot Bustamante, Alma Concepcion, Fe De Los Reyes, pati ang mga premyadong aktres na sina Janice de Belen at Sharon Cuneta.
Bago mapanood ang Kapamilya adaptation nito sa Prime Video, hinirang muna na most exported title sa Asya ang “Mother” nang magkaroon ng sari-sarili itong bersyon sa iba’t ibang bansa, gaya ng Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Saudi Arabia, at Mongolia.
“We are thrilled to announce that ‘Saving Grace,’ our take on the acclaimed Japanese drama ‘Mother,’ is streaming first on Prime Video. This newest feat is a continuous testament to our commitment to showcasing world-class Filipino talent and entertainment to our local and global audiences while engaging them with its heartwarming themes emphasizing the Filipino core values of family and motherhood,” saad ng ABS-CBN chief operating officer na si Cory Vidanes.
“Nippon TV’s ‘Mother’ will be the honorable first adaptation of our scripted format in the Philippines, marking a significant milestone in our collaboration with the vibrant Filipino content industry. We commend ABS-CBN for their dedication in bringing this powerful story to life, set to premiere on a global streaming service such as Prime Video, showcasing the universal appeal of ‘Mother’ and celebrating the creativity and talent within the Filipino entertainment landscape,” dagdag naman ng Nippon TV execs na sina Yuki Akehi at Sally Yamamoto.
Sa direksyon nina FM Reyes at Dolly Dulu, unang mapapanood ang “Saving Grace” sa Prime Video, with two new episodes tuwing Huwebes, simula Nobyembre 28.