Advertisers

Advertisers

BB GANDANGHARI AKALA NILA NAGLALANDI LANG SA US; XYRIEL BINA-BASH ANG MALAKING BOOBS

0 13

Advertisers

Ni TIMMY BASIL

KAMING mga reporter, noon pa man ay alam naming nag aaral ng Filmmaking sa US si BB Gandanghari at akala namin ay crash course lang para may maipakitang certificate kalaunan pero seryosohang pag aaral pala ang ginawa ni BB.

At kamakailan lang ay grumaduate siya sa kursong Bachelor of Science in Entertainment Business sa Los Angeles Film School.



Kilala pala sI BB doon maybe because of PBB at aware rin sila na isang dating matinee idol ito, may nagsalita kasi na taga LAFS for BB being a Summa Cum Laude.

Akala kasi ng iba, kaya nasa US si BB para lumandi at para ma enjoy ang kanyang freedom being a transwoman. Nagkamali kayo!



Kung noon ay medyo nalungkot ang Padilla clan sa naging desisyon ni BB na magpaka mujer na, with her latest academe achievement , natitiyak kong ipinagmamalaki nila ngayon si BB.

Hindi na ako magtataka kung mabalitaan ko na lang na isang ganap ng artista sa Hollywood si BB o kaya isa nang direktor.



Congratulations BB Gandanghari.

ANG mga bashers no? Wala ka talagang ginagawang tama para sa kanila. Di mo talaga alam kung saan ka lulugar. Gaya na lang nito. Kung alam nilang nagparetoke ng boobs ang isang celebrity ay agad nilang pagpipiyestahan sa social media.

Pero kung gifted naman ito sa kanyang hinaharap ay agad nilang pagtsitsismisan at sasabihing hindi raw bagay at sumobra raw ang laki nito

Ito ngayon ang nararanasan ng young actress na si Xyriel Manabat. Binabash ito dahil sa pambihirang laki ng dibdib nito. Eh anong magqgawa nila, ito ang bigay ng Diyos kay Xyriel. Alangan namang patapyasan niya ito?

Hindi raw bagay kasi maliit lang na babae si Xyriel, mabuti raw kung matangkad siya.

Ay naku, dumale na naman kayo.

Naku Xyriel, huwag mong pansinin ang mga iyan, inggit lang mga yan. Flaunt what you have, hayaan mong mamatay sa inggit ang mga bashers mo.

Super liit pa lang si Xyriel ay nakitaan ko na siya ng potensyal nung rumampa siya sa fashion show na Rampa Para Sa Kalikasan ni Allona Amor kungsaan ang suot nila ay mga recyclable materials. Siya ang pinakamaliit na rumampa.

Natuwa ako nung malaman ko na si Dadu Bryan Ancheta ang kanyang naging manager, dalawa sila ni Zaijan Jaranilla, pero pareho silang nawala kay Bryan nung medyo lumaki na sila .