Advertisers

Advertisers

Donny ‘di makalimutan ang unang serye kasama si Belle; Barbie todo-deny na dyowa si Jameson

0 28

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

BINALIKAN ni Donny Pangilinan ang pagsabak nila ni Belle Mariano sa seryeng “He’s Into Her” na unang ipinalabas sa iWant noong 2021.

ISA si Donny sa mga celebrities na sumuporta sa launching ng all-new iWant app kamakailan na ginanap sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN Network building sa Quezon City.

Ayon kay Donny, hinding-hindi niya makakalimutan ang unang series nila ni Belle sa iWant na He’s into Her, na naging daan para magbukas ang napakaraming opportunities para sa kanila.

Kuwento ni Donny, 2019 (pre-pandemic) nang sumabak sila sa look test hanggang sa mag-taping na sila at ipalabas sa iWant ang nasabing serye na pinagbidahan nila ni Belle.

Sabi ni Donny,“That was a crazy, crazy time, you know, 2021. I’m really proud of the whole team kasi we were a bunch of kids.

“I mean, it was a really young group and we had a lot of people guiding us. Siyempre, ‘yung iWant, ABS, Star Magic, managers namin, everyone.

“But the fact that they’ve put us out there and they were willing to risk, you know, everyone, the producers, they were willing to risk money and time, just to put up a really, really good adaptation on screen, sobrang nakakakaba.

“Siyempre nakaka-pressure nu’ng time na ‘yon. Pero kami kasi, sobrang G kami. ‘Yun nga, kasi bata pa kami, eh, like we were super G to do anything,” aniya pa.

Nang magkaroon ng COVID-19 pandemic, natigil ang taping ng He’s Into Her.

“Nag-shoot na kami ng first half, so if you guys would notice, ‘yung mga ibang episodes namin, iba talaga ‘yung mga itsura namin, sobra!

“‘Yung iba, nag-mature na, ako, nagpalaki ako (ng katawan), tapos ‘yung ibang ano, ‘yung ibang characters, hindi na rin pwede.

“There was a shift talaga, eh. Akala ko nga nu’ng nag-stop kami, pull out na ‘yung show, pack up na. Kasi, siyempre, ang hirap naman nu’n. One year break, tapos babalik kayo? But hindi, iWant really believed in it and the whole team. So I’m very, very glad to be a part of it,” pagbabalik-tanaw pa ng aktor

Pagpapatuloy pa niya, “What I love about iWant talaga and ABS, of course, is they always find a way to reinvent themselves and dito na talaga papunta ’yung future natin, ‘di ba? Online, digital space.

“There’s so much room for everyone. So if you ask me for advice, just focus on your craft, you know. Ako, I’m still learning everyday.”

***

DINENAY ni Barbie Forteza ang kumakalat na balita na diumano’y jowa niya na si Jameson Blake.

Matagal nang usap-usapan kasi na nagkakamabutihan na sina Barbie at Jameson dahil kumalat ang video at mga litrato ng dalawa na kuha sa isang running event sa Pampanga kung saan makikitang magka-holding hands pa sila at kakaiba na ang tinginan sa isa’t isa.

Feeling ng mga fans, may something na nga kina Barbie at Jameson at naghihintay lamang ng tamang panahon para umamin.

Pero sa interview ng 24 Oras kay Barbie, nagsalita na nga ito tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Jameson. Aniya, in-invite talaga siya ng binata sa nasabing fun run.

“Actually, marami nga masyadong na-confuse, paano ba nag-krus ang landas namin ‘di ba? So, nagkasama kami sa pelikula,” sabi ni Barbie.

Aniya pa, “Itong recent run namin, siya naman ‘yung nag-invite. Just like how my other runner friends invite me to run. ‘Yun lang talaga ‘yun. And we are not together.”

Ganito rin ang naging pahayag ni Jameson sa panayam sa kanya ng talent manager at host na si Ogie Diaz.

“Honestly, we are not together. The reason why nahuli kami holding hands kasi andaming tao no’ng nagpa-picture sa kaniya. I was just assisting her palabas,” ani Jameson.