Advertisers

Advertisers

Roderick pinarangalang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement awardee

0 23

Advertisers

Ni Rommel Placente

ANG mahusay na komedyante at TV host na si Roderick ‘Kuya Dick’ Paulate, ay pinarangalan sa katatapos lang na 39th PMPC Star Awards For Movies, na ginanap noong Linggo ng gabi sa Widford Resort and Casino, bilang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.

Bago ang parangal kay Kuya Dick, ay ipinakita muna sa video ang ilan sa mga nagawa niyang pelikula sa loob ng 58 years niya sa showbiz.



O di ba, bongga si kuya Dick, ang tagal nya na sa showbiz pero hanggang ngayon ay active pa rin ang kanyang career? ‘Yun ay sa dahil sa pagiging professional niya, na hindi siya kailanman naging sakit ng ulo ng produksyon sa mga serye at pelikulang ginagawa niya. At ang pagiging magaling niyang makisama sa lahat ng nakakatrabaho niya.

Sa acceptance speech ni Kuya Dick, hindi niya nakaiimutang pasalamatan si ate Guy, dahil nga Nora Aunor Ulirang Artista Lifefime Achievement Award ang iginawad sa kanya.

Laking pasasalamat ni Kuya Dick kay ate Guy, dahil isinama siya nito noon sa pelikulang Alkitrang Dugo,na produced ng NV Films ng award-winning actress.

Pinasalamatan din ni Kuya Dick ang yumaong aktor na si Fernando Poe Jr., na aniya, ay malaki ang utang na loob niya rito.

Ang unang pelikulang ginawa niya kasi, ay si FPJ ang kumuha sa kanya, sa pelikulang Matimbang Ang Dugo sa Tubig, na gumanap siya rito bIlang young FPJ.

Pinasalamatan din ni kuya DIck ang yumaong si Mother Lily Monteverde, ang producer ng Regal Films,dahil sa maraming pelikulang ibinigay sa kanya nito noon, na isa na rito ang Jack En Poy: Hale-Hale Hoy, na pinagsamahan nila ng best friend na si Maricel Soriano.



Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Kuya Dick ang mga tagasuporta/fans niya, na ayon sa kanya, kung hindi dahil sa mga ito, ay walang Roderick Paulate sa showbiz.

Congratulations Kuya Dick.

***

ZIA GRACE
NAPAKAHUSAY SA
‘SAVING GRACE’

NAPANOOD namin ang pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Saving Grace, sa ginanap na celebrity screening nito. Si Zia Grace ang gumaganap na Grace, at teacher niya si Julia Montes, bilang si teacher Anna.

Ang Saving Grace ang Philippine adaptation ng hit Japanese series na Mother, na iikot sa tema ng pagmamahal ng isang ina, habang isinasalamin din ang realidad sa likod ng mga pang-aabuso sa kabataan at kababaihan.

Napaganda ng serye, in fairness. At ang husay-husay dito ni Zia, na sinasaktan ng kanyang step father na ginagampanan ni Christian Bables.

Naiyak kami sa eksenang nagsusumbong siya kay Julia, dahil matapos siyang saktan ni Christian, ay isinilid siya sa sako. Hindi lang kami, halos lahat ng nanood ay naiyak sa eksenang ‘yun ni Zia.

Si Coco Martin, na nasa celebrity screen para suportahan ang girlfriend na si Julia, nakita namin na nagpahid siya ng luha, after mapanood ang Saving Grace. At ganundin sina Sylvia Sanchez at Rosanna Roces, hindi rin talaga nila mapigilan ang maiyak.

Ang Saving Grace ay hatid ng Prime Video na siya ring naghandog ng Linlang

Bukod kina Julia, Christian at Zia, kasama rin sa serye sina Megastar Sharon Cuneta, Janice de Belen, Sam Milby, Jennica Garcia, Elisse Joson, Eric Fructuoso, Andrez Del Rosario, Adrian Lindayag, Aya Fernandez, Sophia Reola, Ramon Christopher, Mary Joy Apostol, PJ Endrinal, Emilio Daez, Karl Gabriel, Jong Cuenco, Daisy Cariño, Lotlot Bustamante, Alma Concepcion, at Fe De Los Reyes.

Unang mapapanood ang Saving Grace sa Prime Video, na may dalawang bagong episodes tuwing Huwebes, simula ngayon, November 28. Mula ito sa direksiyon nina FM Reyes at Dolly Dulu.