Advertisers

Advertisers

Dominic at Sue magsyota na; HLA sinipa na sa pangunguna ang Rewind

0 23

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAUNGUSAN na ng Hello, Love, Again ang Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes bilang highest grossing Filipino film of all time.

Ito ang announcement ng ABS-CBN Films kagabi ng 7 p.m.



Anila, HLA has already earned over P930 million from theatrical sales worldwide.

Rewind was previously the highest-grossing Filipino film when it earned a total of P924 million in its entire theatrical run.

Ang HLA ay sequel ng naunang movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye nung 2019.

***

I thought leading lady ko siya.mm
AGA NADISMAYA NANG ANAK SI NADINE SA UNINVITED

ISA ang award- winning actress na si Nadine Lustre na bida sa Uninvited with Vilma Santos and Aga Muhlach na produce ng Mentorque Productiions at Project 8.



Ang Uninvited ay official entry para sa 50th Manila Film Festival nitong December.

Si Nicole ang karakter ni Nadine sa Uninvited.

Unlike sa iba niyang nagawang movie, iba raw para sa kanya ang Uninvited.

“Nang sinabihan po nila ako to play the role of Nicole and then binasa nila sa akin ang script, ang sabi ko po agad ay ipadala na sa akin.”

Sabagay, sa teaser na pinakita ay ibang iba nga ang karakter niya bilang si Nicole.

Maging ang word na lumalabas sa kanyang mouth ay punumpuno ng pagmumura which is hindi naririnig sa kanya sa iba niyang ginawang pelikula.

“At saka sa casting namin Ate Vi at Mr. Aga Muhlach, aarte pa ba ako.”

First time na nakatrabaho ni Nadine ang dalawang icon actors ng movie industry.

Samantala, marami pa rin ang may gustong gumawa ng teleserye ang aktres.

Ang last TV series niyang ginawa ay 2017 pa, ang Till I Met You.

Aniya, “You know, people always ask me this. I always say na it’s different working on a TV series just because you need more time–– lots of time–– and a lot more attention to TV series. Sometimes, it doesn’t really last for like three months lang.”

Pero, hindi naman daw siya nagsasalita ng tapos.

Samantala, masaya si Aga nang malaman niyang makakasama si Nadine sa Uninvited dahil buong pag-aakala niya ay leading lady niya ito.

Nang malaman niyang hindi ay laking panghihinayang daw niya.

“I thought leading lady ko siya yun pala hindi kundi anak ko siya. Mag-ama pala kami dito.”

Bad person ang role ng actor.

Aniya, “masaya ako kahit masamang tao ako. Because maswerte ako dahil nakatrabaho ko ang Gen-Z great actress sa panahon ngayon.”

Speechless naman ang award-winning actress na muling nadagdagan ang kanyang trophy dahil siya ang Best Actress sa ginanap na 39th PMPC Star Award for Movies nitong nakaraang November 24 na ginanap sa Winford Hotel, Manila.

***

BALITANG magkarelasyon na umano sina Dominic Roque at Sue Ramirez, ayon sa source ni Ogie Diaz.

Sa Showbiz Update ay binahagi ng host ang tungkol sa DomSue na kamakailan ay muling namataang magkasama.

Ani Ogie, ayon sa kanyang source ay mag-on na ang dalawa na ilang beses na ring namataang magkasama sa Siargao.

Wala pa namang pag-amin mula sa dalawa, pero marami sa kanilang fans ang natuwa at sumuporta lalo at parehas naman silang single.

Ilang buwan na rin namang hiwalay si Sue sa five long years niyang karelasyon na si Javi Benitez gayundin si Dominic sa ex na si Bea Alonzo.

Ibinahagi ni Ogie sa Showbiz Update ang mainit na balitang mag-on na umano ang DomSue.

Sa kabila ng mga espekulasyon, nananatiling tahimik ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Hmmm… Mapapaniwalaan na lang natin na magdyowa na ang dalawa kapag pareho na silang umamin.