Advertisers

Advertisers

EX-CONG. ERICE DINIS-QUALIFY NG COMELEC!

0 17

Advertisers

INAPRUBAHAN ng Commission on Elections (COMELEC) Second Division ang petisyong i-disqualify si dating Caloocan City congressman Edgar “Egay” Erice sa pagtakbo sa pagka-kongresista sa 2nd District ng lungsod sa 2025 midterm elections.

Sa inilabas na 13 pahinang resolusyon, nakasaad na ang pagpapalaganap ni Erice ng maling impormasyon sa iba’t ibang platforms ay nagpapakita na sinasadya niyang guluhin ang eleksyon.

Noong October 7 nang inihain ng isang Raymond Salipot ang petisyon matapos ang paghahain ni Erice ng kandidatura.



Nag-inhibit naman si COMELEC Chairman George Garcia sa anumang kasong kinasasangkutan ni Erice sa komisyon upang hindi umano mabahiran ang desisyon.

Matatandaang isa si Garcia sa mga kinasuhan ng ‘Graft’ ni Erice noong Agosto sa Ombudsman dahil sa pag-award ng P18 billion election automation contract sa kumpanyang Miru Systems.

Mananatili parin sa balota ang pangalan ni Erice bilang kandidato ng ikalawang distrito ng Caloocan City.

Ginawa ni Comelec Chairman Garcia ang paglilinaw kasunod ng desisyon ng Comelec 2nd Division sa diskwalipikasyon ng mambabatas.

Ayon kay Garcia, hindi pa ‘final and executory’ ang desisyon ng Comelec na nagdi-disqualify kay Erice bilang kandidatong kinatawan ng Lungsod.



Sinabi ni Garcia na maari pang umapela ang dating mambabatas, at hangga’t hindi pa final and executory ang nasabing desisyon mananatili parin kandidato si Erice.

Samantala, naghahain ng ‘motion for reconsideration’ sa Commission on Elections (Comelec) si Erice sa desisyon ng pagdiskwalipika sa kanya para sa 2025 elections.(Jocelyn Domenden)