NAARESTO ang tatlo katao kabilang ang dalawang government employees ng mga mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at pagkakabuwag ng isang drug den sa Malaybalay City nitong Huwebes.
Kinilala ang nadakip na sina alias “John”, 37 anyos, DENR employee na naka-assign sa Valencia City; alias El, 39, DENR employee naka-assign sa Manolo Fortich; at isang alias Vince, 39, ng Brgy. Casisang, Malaybalay City.
Sa report, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga elemento ng PDEA Regional Office Bukidnon, Provincial Office, City Police Station at Regional Intelligence unit Bukidnon sa Brgy. Casisang.
Nabatid na target ng mga otoridad si John na ‘priority drug personalities’ nang salakayin ang isang bahay na pinaghihinalaang drug den.
Narekober ng mga operatiba sa mga nadakip ang shabu na may timbang na 10 grams na nagkakahalaga ng P68.000.(Mark Obleada)