Advertisers

Advertisers

Francine at Seth level up na ang relasyon

0 18

Advertisers

Ni Archie Liao

KUNG nabawasan man ang exposure ni Francine Diaz sa social media, ito ay dahil nag-concentrate muna siya sa pag-aaral.

Pero ngayong nakatapos na siya ng senior high, nangako ang “My Future You” actress na magpapaka-aktibong muli siya sa kanyang vlog.



Inamin din niya na maraming nangyari sa kanyang buhay na sumubok sa katatagan ng kanyang pagkatao.

Kasama na rin dito ang pagkawala ng mga itinuturing na kaibigan na iniwan siya at ilang kontrobersyang kanyang sinuong.

“May mga nawala akong mga tao sa buhay, pero thankful ako sa mga pinagsamahan namin, sa kung anong mga nangyari sa amin kasi sa mga tao na ‘yon, ‘yong relationship ko sa kanila, eye-opening siya for me. Ang daming realizations, ang daming lessons,” pagbabahagi niya. “So, I wouldn’t say na talo ako sa parte na ‘yon. Masakit, siyempre, kasi may mga binuo kang memories sa mga tao na ‘yon. Pero gano’n talaga ang buhay, darating ‘yong panahon na you really have to say goodbye, ” dugtong niya.

Sa kanya namang vlog, hindi niya ikinaila na dati raw ay hindi siya ganoon ka-close kay Seth Fedelin pero na-develop daw ang bond nila sa tagal ng kanilang pagsasama.

“Dati masasabi ko na mas magkaibigan when it comes to work. Mas nag-a-agree kami sa isang bagay if it’s about work. But now, I would say siguro na sa tinagal o hinaba ng panahon na magkasama kami, masasabi ko na ‘yong friendship na meron kami ngayon, on a different level na siya,” ani Francine. “Mas nakilala namin ‘yong isa’t isa. Ngayon, mas may halaga na sa amin ‘yong friendship namin at hindi lang about sa work na ‘yong mga napag-uusapan namin. I think, siguro kasi ‘pag lumalaki ka na, nag-iiba na rin ‘yong mga topics n’yo as friends,” hirit niya.

Sey pa ng” My Future You” star, si Seth daw ang itinuturing niyang best friend sa showbiz.



Hirit pa niya, malaking boost din daw para sa kanya ang pagkakaroon ng loveteam bagama’t may ilan namang iba ang paniniwala.

“Ako na nasa loveteam ngayon, masaya ako sa ginagawa ko, masaya ako with Seth at sa team na meron kami,” deklara niya. “Ako talaga naniniwala ako na no’ng nag-start ako, hindi ko naman makita ‘yong sarili ko na kaya ko nang mag-isa eh. I’m happy sa mga na-partner sa akin noon before, especially with Seth now, because I can say na tinulungan din nila ako to get here kung nasaan man ako ngayon. Malaki ang parte nila doon, di ba?”, pahabol niya.

Ang FranSeth ay malapit nang mapanood sa “My Future You” na kalahok sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival na magbubukas sa mga sinehan sa Disyembre 25, Araw ng Pasko.

Kuwento ito ng dalawang estranghero mula sa magkaibang panahon na nagtagpo sa pamamagitan ng isang dating app.

Mula sa produksyon ng Regal Entertainment at sa direksyon ni Crisanto Aquino, tampok din sa pelikula sina Almira Muhlach, Christian Vasquez, Peewee O’Hara, Bodjie Pascua, Mosang, at Izzy Canillo.