Ni Jimi Escala
KUNG ang sobrang pag-inom ng alak sa isang showbiz affair ang dahilan kung bakit pinag uusapan ngayon ang isang supporting actor ay ang paglalasing pa rin ang ginawang scape goat ng dating komedyanteng si Mura.
Kumbaga, ang paglalasing ang ginawang bisyo ni Mura na kilala sa tunay na pangalang Allan Padua.
Ayon kay Nanay Cristy Fermin sa kanyang latest episode ng “ Cristy per Minute” show, may pinagdadaanan umanong depresyon si Mura, huh!
Ayon pa kay Nay Cristy, nasagap daw niya ang naturang tsika na laging naglalasing umano si Mura.
“Ang dami-daming nagsasabi, nagkukuwento sa atin na ito raw si Mura ay laging naglalasing. Dahil inatake ng depresyon,” banggit pa ni Nanay Cristy.
“Kahit naman sino talaga, nasunugan ka na ng bahay, wala ka pang proyekto, ‘di ba? Kawawa naman,” dagdag pa rin niya.
Napag alaman pa rin ni Nay Cristy na may ilang taga showbiz daw ang tumulong kay Mura at nagpaabot ng tulong sa dating ka- loveteam ng namayapang si Mahal, huh!
“Unang-unang nagpadala sa kanya ng tulong si Ai Ai Delas Alas. Si Ai Ai talaga pagdating sa mga kapwa artista na nangangailangan siya ‘yong unang-unang sumasagot kasi alam niya kung paano magsimula sa ibaba,” kuwento pa rin ni Nay Cristy.
Marami sa malalapit na kaibigan ni Mura ang nagdarasal na sana nga raw ay mabigyan ng proyekto si Mura nang maipangtustos sa araw araw na pangangailangan nito, huh!
Sana nga lang ay mapansin ni Direk Coco Martin at maisama si Mura sa kanyang “Batang Quiapo”!
Matatandaang naiulat noong Mayo na nasunog umano ang bahay ni Mura at walang kahit anong gamit na nailigtas, huh!
***
SA bonggang presscon ng “Uninvited “ ay kapansin pansin at talaga namang nagmarka sa lahat ng nakapanood ng trailer ng pang MMFf movie ang malutong na pagmumura ni Nadine Lustre kay Aga Muhlach.
Siguradong marami sa mga tagahanga ang masa-shock sa role ni Nadine sa nasabing pelikula na pinagbibidahan din ng Star for All Seasons Vilma Santos at official entry ng Mentorque Productions at Project 8.
Sa nasabing project at first time na nakasama ng Star Awards best actress na si Nadine Lustre ang Star for All Seasons at Aga.
Maski ang mga kasamahang reporters ay naloka sa eksena ng award-winning actress sa ipinalabas na full trailer ng movie sa bonggang grand mediacon ng “Uninvited” sa Solaire North, Quezon City last Wednesday.
As in, talagang paulit-ulit niyang pinagmumura si Aga sa nasabing eksena na gumaganap na tatay niya sa movie na isa sa mga entry sa 50th anniversary ng MMFF this year na magsisimula na sa December 25, huh!