Advertisers

Advertisers

Matagal na pero naungkat pa… Pia rason ng hiwalayang Bea at Gerald?; Julia inamin, Sharon manlalamon sa eksena

0 11

Advertisers

Ni Rommel Placente

SA naganap na special screening at presscon ng pinakabagong serye ng ABS-CBN na Saving Grace, inilarawan ng isa sa mga bida rito na si Julia Montes ang co-star niya na si Sharon Cuneta, bilang very generous na kaeksena.

Sabi ni Julia,”Kapag kaeksena ninyo ang isang Megastar, sobrang lalamunin ka ng emosyon, on and off-cam because sobrang generous niya as a person and as an actress.



“So parang napaka-blessed ko po na mapasama lagi sa casting ng lahat generous.”

Dagdag niya, “With Miss Megastar, hindi ako nahirapan, kasi makita ko pa lang yung mata niya, talagang bubuhos na yung emosyon.

“And malalaman n’yo sa story, kapag napanood n’yo, kung bakit ko sinabi na napaka-generous, kasi umabot sa punto pong hindi ko na kailangan ding mag-motivate.

“Tingnan ko lang siya, iiyak na ako. Kasi ganu’n siya ka generous as a person. So napakaswerte ko lang talaga,” aniya pa.

Inamin ni Julia na na-miss talaga niyang magteleserye at nagpapasalamat siya sa Dreamscape dahil sa kanya ibinigay ang role ni Anna.

“Kasi for me, playing the role of Anna, may nahi-heal sa akin na akala ko wala na, akala ko okay na. And then eto na ko, stronger Julia or Mara (Schnittka) in real life.



“Ito siguro sana maging journey nating lahat kasi being a child abuse survivor or currently going through that, mahirap na walang tao, maski isa na makikinig, maniniwala sa yo o tutulong sa yo.

“Kaya yun, sana kapag nakakakita tayo ng whatever scenario, don’t be scared to help or even ask are you ok kasi malaking tulong yun sa tao na yun. Let’s just be kind,” dugtong ng partner in real life ni Coco Martin.

Nakaka-relate rin daw si Julia sa pinagdaraanan ng karakter ni Anna sa serye, “Kasi may ugali po ako, nagwo-wall din ako. So, it’s really hard to open up, specially kapag yun yung takot ko.

“And with Anna, kaya hirap na hirap ako na i-portray yung role, specially the first episode kasi ang hirap magpigil,” dugtong pa niya

Ka-join din sa cast ng Saving Grace sina Janice de Belen, Sam Milby, Elisse Joson, Zia Grace, na gumaganap bilang si Grace at marami pang iba. Mula ito sa direksyon nina FM Reyes at Dolly Dulu.

***

SA guesting ni Gerald Anderson sa The Men’s Room ng One News PH, napag-usapan ang past relationship niya.

Isa mga itinanong ng hosts ng show na sina Janno Gibs at Stanley Chi ay kung okay na raw ba sila ni Letter B.

Biglang tumawa ng malakas si Gerald at halatang nagulat sa tanong ng dalawa, dahil alam naman niya na ang tinutukoy nga mga ito ay si Bea Alonzo.

Matagal bago nakasagot ang aktor, ngunit ayon sa kanya: “Hindi ko masagot ng 100%, pero siyempre sa side ko, okay naman. Ang tagal na ‘nun eh. Ayun lang.

Kung matatandaan, taong 2019 nang mabalitaang naghiwalay sina Gerald at Bea matapos i-ghost ng una ang huli.