Advertisers

Advertisers

Jobert Sucaldito at Chef Marvin Napakabait na Mga Kaibigan

0 14

Advertisers

Ni Oggie Medina

NAPAKABAIT na kaibigan ni radio/TV host-writer Jobert Sucaldito, na tumutulong sa mga batang may kanser at sa mga matatandang inabandona.

Naalala ko madalas sumasama sa akin si Jobert tuwing may outreach activity ako sa dating Tahan-Tahanan (a haven for kids with cancer) sa may East Avenue Medical Center. Nasa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) pa ako nagtatrabaho noon sa tanggapan ng general manager.



Sumama rin sa akin si Jobert sa Abiertas House of Friendship (itinatag noong 1930) sa Santolan Road, Quezon City para mapasaya ang mga inabandona, inabuso at mahihirap na mga matatandang babae (mga edad 65-85). Si Jobert at ang aking inaanak na si Emy Casimiro ang nagsilbing mga emcee. Si Jobert at Kamuning Bakery owner Wilson Lee Flores ng Philippine Star ang nagbigay ng merienda ng hapon iyon.

***

SI Chef Marvin Aritrangco, nakabase na ngayon sa Los Angeles, California at kasama sa pelikulang Cathy Garcia-Sampana’s Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ay sumasama rin sa akin noon sa mga charity works, lalo na sa Tahan-Tahanan.

Congrats singing Chef Marvin sa pelikula ninyong Hello, Love, Again na kumita ng mahigit 1-bilyon sa gross sales sa box-office.