Advertisers

Advertisers

NAGPAPASABOG! GISELLE SANCHEZ, UNANG INTERNATIONAL STAND-UP SPECIAL SA JAPAN!

0 8

Advertisers

By ARCHIE LIAO

NAGOYA BOUND ANG TAWA! Handa nang gulatin ang buong mundo ng “Siren Star of Stand-Up” na si Giselle Sanchez sa kanyang kauna-unahang international stand-up comedy special na pinamagatang “BAD EXAMPLE,” na ilalarga nang live sa Nagoya, Japan!

Matapos ang ilang dekadang paghahari sa telebisyon, pelikula, teatro at comedy stage, mas matindi ang pasabog ni Giselle sa kanyang pinakamalaking live performance kung saan ihahain niya ang bago at orihinal niyang mga biro sa harap ng international audience!

Ang makasaysayang comedy special ay kukunan nang live sa Setyembre 20, 2026, alas-5 ng hapon sa Higashibetsuin Kaikan Hall sa Nagoya, Japan, at mapapanood eksklusibo sa NDM PLUS.

Ang “BAD EXAMPLE” ay isang NDM Original na proyekto ng NDMstudios, na patuloy na gumagawa ng world-class Filipino entertainment para sa mga manonood sa iba’t ibang panig ng mundo. Isa rin itong panibagong milestone para sa NDM PLUS, ang premium members-only entertainment platform ng Singapore na kilala sa original productions, exclusive premieres, curated cinema at espesyal na fan experiences.

Sa likod ng proyekto ay ang award-winning filmmaker na si Nijel de Mesa, na siyang direktor at producer ng special. Kasama rin sa powerhouse creative team ang mga batikang comedy writers na sina Henry Maceda, Ferdie Aguas, Patrick Alcantara, at Jarvin Pastor.

Pinagsasama ng “BAD EXAMPLE” ang walang kapantay na komedya ni Giselle at ang cinematic vision ng isang award-winning production team—isang palabas na siguradong magpapaiyak sa kakatawa at mag-iiwan ng hindi malilimutang entertainment experience!

LIBRE ang admission sa live taping para sa mga NDM PLUS Platinum Members.

EVENT DETAILS
BAD EXAMPLE
Setyembre 20, 2026
5:00 PM
Venue:
Higashibetsuin Kaikan Hall
P460-0016 Aichi, Nagoya Naka Ward, Tachibana 2 Chome-8-45
Higashibetsuin Kaikan 1F
Para sa inquiries, makipag-ugnayan kay Artist Orbista sa 080-3669-2696.

Sa pamamagitan ng “BAD EXAMPLE,” muling pinatutunayan ng NDMstudios ang misyon nitong dalhin ang de-kalibreng Filipino entertainment sa pandaigdigang entablado at ipagmalaki ang world-class na talento ng mga Pilipino.