Tony Boy nakita muli sa Star Awards for Movies si Seiko produ Robbie Tan at ang young actress na si Shira ng Paghilom
Ni Noel Asinas
MASAYANG nagkita muli ang actor-producer Tony Boy Dela Rea at sikat na Seiko producer na si Robbie Tan last Sunday sa Star Awards for Movies sa Winford Resort and Casino.
Naikuwento ni Tony Boy, masaya siyang binati ni Sir Robbie sa 38th Star Awards For Movies 2024 nang nagkita sila sa Ballroom ng Winford Resort And Casino, Manila, near SM San Lazaro.
Ani Tony Boy: “Natuwa ako dahil hindi ako nakalimutan ni Sir Robbie. Lumabas ako ng short roles sa anim na movies ng Seiko. Memorable sa akin ang role ko bilang isa sa lovers ni Rosanna Roces noong 90s sa isang movie ng sexy actress. Sinabihan pa akong di ako tumatanda.”
Samantala, ang Net 25 Sparkada na si Shira Tweg, malayo palang ay nakatawag-pansin agad kay Tony Boy. Artista si Shira sa Paghilom movie na bida at producer si Tony Boy. Noon pa man, bet na ng actor si Shira na makasama sa movie. Nagandahan at nagalingan siya sa anak ni Tine Tweg, isa sa producers ng Sugat Sa Dugo, kung saan napili si Shira ng PMPC para tanghaling Best New Female Star of the Year 2024.
Kasalukuyang pinagsasabay ni Shira ang acting at pag-aaral. Nasa senior high school siya ngayon sa Dela Salle University. Madalas mapanood si Shira sa mga youth oriented shows ng Net25.
Si Tony Boy ay positive na magkakaroon ng theater run ang Paghilom movie ngayong taon. May ilang eksena pa siyang tinatapos sa movie. From short film, magiging full length na ito.