Advertisers

Advertisers

P23.2m shabu nasabat sa 4 tulak sa Caloocan

0 28

Advertisers

NASA mahigit P23 milyong shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang itinuturing bilang High Value Individual (HVI) sa buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan Police chief Colonel Paul Jady Doles ang naaresto na sina alyas “Abdul”, 41 anyos, ng San Jose Del Monte, Bulacan; alyas “Oding”, 40; alyas “Vics”, 33; at alyas “Tata”, 39, pawang residente ng Brgy. 188 ng lungsod at mga HVI.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director, Col. Josefino Ligan, 12:15 ng gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa King Faisal, Phase 12, Barangay 188.



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 3,420 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P23,256,000.00. (Beth Samson)