KULONG ang dating pulis nang barilin at mapatay ang kaibigan habang nag-iinuman sa Sitio Riverside, Barangay Cogunan, Nasugbu, Batangas nitong Miyerkoles, November 27, 2024.
Kinilala ang napatay na si Erickson Ulaye, nasa hustong gulang, ng Barangay Bilaran; at ang salarin ay kinilalang si dismissed PO2 Mark Paul Ruedas, dating nakatalaga sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), ng Brgy. Cogunan.
Ayon kay Nasugbu Municipal Police Station chief Lieutenant Colonel Rheden Manalo, sinabi ni Ruedas na niloko siya ng biktima kaya’t nagawa niya itong barilin, na hindi naman niya idinitalye sa mga imbestigador ang dahilan, at dati narin umanong may binaril ang salarin subali’t nakaligtas ang naunang biktima at dinidinig pa sa korte hanggang sa ngayon bago ang ginawang pamamaslang kay Ulaye.
Narekober sa lugar ng crime scene ang ginamit ng salarin na Colt caliber .45 na baril at dalawang basyo ng bala.
Mahaharap ang salarin sa kasong Murder, at nakaditine ngayon sa Nasugbu Police Station. (Koi Laura)