Advertisers

Advertisers

‘BATTERED WIFE’ BINARIL UMBAGERONG MISTER, TODAS!

0 14

Advertisers

NAUWI sa madugong krimen ang mainitang pagtatalo ng mag-asawa nang barilin ng misis ang kanyang mister sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Barangay Pansud, Lebak, Sultan Kudarat Province nitong Sabado, Nobyembre 21.
Kinilala ang nasawi na isang 69-anyos na magsasaka sa alyas na “Win”, habang hawak na ngayon ng pulisya ang salarin na kanyang misis na si alyas “Cel”, 69.
Base sa imbestigasyon ng Lebak Municipal Police Station, nagsimula ang alitan ng dalawa nang saktan ng mister ang kanyang misis.
Sa gitna ng komprontasyon, pumasok sa kanilang kuwarto ang misis, kinuha ang kalibre .45 na pistola at pinaputukan ng isang beses ang kanyang mister, sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Mabilis namang nakaresponde ang mga awtoridad sa lugar kungsaan naaresto ang misis at narekober ang baril na ginamit sa krimen.