Advertisers

Advertisers

WALANG KINABUKASAN

0 2,384

Advertisers

Mabunga ang mga ginawang pagdinig ng malawak na kapulungan higit ng QuadCom hinggil sa mga usapin ng mga mangmang ng kaTimugan. Walang pagdududa na nakamtan ang layon ang mabatid ang mga impormasyon na magbibigay daan sa higit na malalim na pag-uusisa sakaling maghain ng mga kaukulang kaso sa husgado laban sa kaTimugan higit kay Inday Siba at Totoy Osla . Marami sa mga panauhing naimbitahan ang batid na naglulubid ng mga kasinungalingan sa mga sagot ng pagsasaad sa kaalaman na halatang pagtatakip sa abalang pangulo . Sa husay ng mga kinatawang bayan sa pagtatanong at paghahalungkat ng katotohanan, tumibay ang hinalang may sala sa paggamit ng salaping ang nakasalang na usapin.

Sa social media na batid ang usaping nakahain sa hapag ng QuadCom at nasilayan sa pagdinig sa mga pagtatanong na ginawa ng mga kinatawang bayan ang katotohanan sa pagbibigay pahayag ng panauhin na kasapakat o sangkot sa mga maanomalyang transaksyon na napasukan ng bida ng mga kasalukuyang usaping bayan. Sa mga tanong na ipinukol ng mga kasapi ng QuadCom, tuwirang nabatid ang salang paggamit ng salaping bayan higit ang paggamit ng Confi & Intel Fund ni Inday Siba na nilustay sa 7 araw at ‘di sa 11 araw na unang nabatid. Sa pagdinig sa QuadCom, bumukas ang isa pang pinto na dapat o kailangang mabatid ang paggamit ng mag-amang mangmang sa mga salaping bayan ng ang mga ito’y puno ng bansa at alkalde ng bayan sa kaTimugan. Bilyon bilyong halaga ang dapat mabatid sa anim na taong panunungkulan bilang mga lider ng bansa at alkalde ng isang bayan. Ang P125M na nilustay ni Inday Siba sa loob ng 7 araw ang susi upang mabatid kung paano nagamit ang mga CIF ng mag-amang sakim sa pera ng bayan sa loob ng panunungkulan. Sa totoo lang, inaasahan na makatuwiran ang paggamit ng CIF ng mga tanggapan ng mag-amang opisyal. Ngunit o tila may sala sa pinagtustusan at inaasahang pananagutin ang sino mang opisyal sa ngalan ng katarungan para kay Mang Juan.

Sa totoo lang, mabuting maglabo at maglinaw ang usaping nabatid ng bayan. Ang naganap sa nakaraan na landas sa masusing paglalaan ng salaping bayan sa hinaharap ang dapat gawin para sa katatagang panlipunan. Ang pag-alam sa pinagtustusan sa nakaraan ang magpapako sa mga opisyal na batid ang kasibaan sa salaping bayan. Kung malinis ang pagtustos sa pera ng bayan sa nakaraan walang hindi matutugunan at taas noong maipapaliwanag sa bayan ang halaga ng pinagtustusan. Maipapaliwanag at maipapakita ang mga kaukulang dokumento higit sa masusing mata ng mga kinatawang bayan. Hindi naghahanap ng kamalian ang QuadCom sa halip ang malamang napunta sa takdang tustusin ang salaping bayan ang layon. At hindi magdadalawang isip na ibalik ang unang inalis na pondo sa tangapan ng abalang pangulo. Kung kabila o naglaho ang salaping bayan, ang panagutin ang mga may sala, sipain sa pwesto, akusahan sa gawang ‘di marangal at panagutin sa hukuman ang tamang hakbang na gawin. Ang tamang hakbang sa bawat galaw ang inaasahan sa mga opisyal bayan ng ‘di pamarisan ng mga nasa ibaba ng pamahalaan maging ng mamamayan. Walang puwang ang masamang gawa sa pamahalaan higit ang paglustay sa pera ng bayan.



Sa kontrobersyang nasalangan ng kaTimugan, ang paglilinis sa ngalan ang gawin, aminin ang katotohan, ang pagkakamali ng makamit ang layon sa kinabukasan. Walang ibang maglilinis sa dungis ng kaTimugan kundi ang sarili. Ang pag-amin sa kamalian ang tamang kilos ng kaTimugan, gagawin kaya? Subalit, masalimoot ang paglalahad ng katotohanan higit ng mga taong hiyang sa salang gawa at ganid sa salapi ng bayan . Ang pagnanasa sa salaping bayan ng opisyal na binasbasan ng SMARTMATIC sa nakaraan ang kinasusuklaman ng nakararaming Pinoy sa kasalukuyan. Ang malilo ang Pinoy sa nakaraan ang pinakamasakit na karanasan na hirap matanggap ng bayan. Ang salang pagbabasbas sa mangmang ng kaTimugan ang kasaysayan ‘di ibig maulit ng nakakarami higit kung kagalingan ng bayan ang nakasalang. Ang salang paglalandas sa daan ng panunungkulan ang mantsa na mahirap alisin, magpakailanman.

Sa kabilang banda, maganda ang layon ng QuadCom higit sa kaTimugan dahil malilinis nito ang ngalan sa harap o likod na kinasasangkutang usapin. Ang humarap ang opisyal higit ang abalang pangulo at ilahad ang katotohanan sa pagtustos ng salaping bayan ay ‘di nakikitaan ng hirap. Sa pagkakataong maipakita o mailahad ang pinagtustusan ayon sa takdang paggagamitan hindi magdadalawang isip si Mang Juan at ang bayan na muling ibigay ang basbas para sa susunod na halalang lalahukan. Hindi maramot si Mang Juan at laging mapagbigay sa mga taong tama ang gawa para sa bayan. Walang pag-aalinlangan si Mang Juan higit sa mga taong humaharap sa mga usapin at ‘di nagtatago sa saya ng mga tauhan. Maselan si Mang Juan sa galaw ng mga opisyal ng bayan na sumisira sa lipunan higit ng pondong pinaghirapan.

Sa pinasukang usapin ng kaTimugan nakita ni Mang Juan ang asal ng mag-amang mangmang na hindi mapagkumbaba sa likod ng maraming ‘di maipaliwanag na mga usapin. Ang masakit silip ang paglulubid ng kasinungalingan na kinadidismaya ng marami. Sa totoo lang, marami sa mga dating kasama sa laban sa katiwalian ang nagising sa katotohanan at tanggap na nagkamali sa nakaraan ng ibigay ang pagsang ayon kay Totoy Osla. At sa tono ng kaganapan na nailabas sa pagdinig ng kongreso, tunay na may kailangan linisan sa nakaraan ng maituwid at mapanagot ang may sala sa bayan. Ang salang gawa’y ‘di sa QuadCom kundi kay Mang Juan at sa bayan na nagtitiis sa hirap na tuwirang nag-aambag ng buwis sa bawat kibot ng buhay. At sa mabilisang panahon, nabatid ang kasibaan ng mga nabasbasan ng pag-ayon ng bayan higit ang kaTimugan.

Sa kamulatan ni Mang Juan hinggil sa kaganapan sa nakaraan hangang sa kasalukuyan hindi maitago ang suya, galit, inis, sama ng loob sa salang paghahalal sa kaTimugan. Ang pagdinig na naganap sa malawak na kapulungan ang daan na namulat si Mang Juan sa kawalangyaan, kasakiman, kasibaan sa salaping bayan na pinaghihirapan ng minsang hinangaan. Ang mahikang gamit sa paglaho ng salaping bayan ang gumising at magtutulak sa mamamayan na kailangang o dapat panagutin ang may sala higit ang mga lider mula sa kaTimugan. Panagutin si Totoy Osla at si Inday Siba na tuwirang nakinabang sa salaping bayan. Ang pangyayari sa nakaraan at kasalukuyan ang tuwirang nagsasabing wala nang kinabukasan ang kaTimugan higit si Inday Siba na ‘di makitaan ng pagsisisi. Iwaksi ang masiba sa salapi ng bayan, iwaksi si Inday Siba.

Maraming Salamat po!!!!