Ni Beth Gelena
MASAYA at tahimik na ang lovelife ni Gerald Andetson sa piling ng girlfriend na si Julia Barretto.
Pero, sa interview ng The Men’s Room na sina Janno Gibbs at Stanley Chi, dalawang na involved na aktres na naging parte sa buhay ng aktor ang kanilang tinanong.
The Kapamilya actor was asked, kumusta na raw ba sila ni actress “B?”
Kahit hindi pinangalanan ng hosts ang girl, it is common knowledge na ang ex-girlfriend na si Bea Alonzo ang tinutukoy nila.
“Hindi ko masagot ng 100%… pero siyempre sa side ko, okay naman. Ang tagal na ‘nun eh. Ayun lang,” pag-amin ng aktor.
Tila nag-isip ps raw nang isasagot si Ge sa tanong.
Matatandaang very controversial ang naging breakup ng ex couple noong 2019.
Inakusahan kasing nag-cheat daw kasi si Gerald na cheater.
Maging si letter P ay hindi nila pinalamps (P is Pia Wurtzbach.)
“Ang tagal naman ‘nun…Chismis lang ‘yun,” sagot ng actor.
May chismis pa ngang lumabas na si Pia ang naging dahilan sa unang breakup nina Gerald at Bea.
May nagtanong naman, why si M ay hindi nasama sa past ni Gerald.
May rumor pa nga raw na binigyan niya ng necklace ang aktres.
“Nagkasakitan pa raw ang dalawa pero ‘di nilabanan ng actor. Hindi natuloy noon ang pagsasamahan nilang teleserye.”
***
MATAPOS i-unveil ni Anne Curtis, matapos ang Madame Tussauds wax figure niya ay may kwelang mensahe siya para sa OFWs.
Ang nasabing unveil wax ni Anne ng Madame Tussauds wax figure ay naganap sa Makati City.
Ang It’s Showtime host’s wax figure is set to be displayed at Madame Tussauds Hong Kong.
Sa panayam kay Anne ay nagbigay siya ng amusing message sa mga OFW sa Hong Kong.
“Alam kong February pa ang birthday ko. Tuwing January, magme-message na, magti-tweet, magfe-Facebook, IG caption na ‘yung mga kababayan natin ng ‘Hindi na ako makakauwi for your birthday.’” “Pero okay lang, madadalaw niyo naman siya [her wax figure] sa Madame Tussauds.”