Advertisers

Advertisers

Young bida sa panalo ng Hawks vs Cavaliers

0 6

Advertisers

NAGTALA si Trae Young ng career-high 22 assists — pinakamarami sa NBA ngayon season — at umiskor ng 20 points upang buhatin ang Atlanta Hawks sa 135-124 wgi laban sa Cavalierss Huwebes (Biyernes sa Manila).

Ang Cavaliers ay nalaglag sa 17-2 at nabigo sa unang pagkakataon sa 11 home games.

De’Andre Hunter nagdagdag ng 26 points at Jalen Johnson 22 para sa Hawks, na ginawa ang lahat ng big plays sa kabuoan ng laro para durugin ang Cavaliers.Rookie Zaccharie Risacher, ang No.1 overall pick sa draft ngayon taon ay umiskor ng 13 sa kanyang 17 points sa unang tatlong minuto ng second half para sa Atlanta.



Donovan Mitchell umiskor ng 30 at Evan Mobley nagdagdag ng 22 points at 13 rebounds para sa Cleveland.

Sa Philadelphia,Jalen Green umiskor ng season-high 41 points,Alperen Sengun nagdagdag ng 22 points at 41 rebounds para pasabugin ng Houston Rockets ang Philadelphia 76ers sa overtime.

Tyrese Maxey umiskor ng 39 points, kabilang ang 28 sa second half, sa kabiguan ng Philadelphia, na naglaro wala si Paul George at Joel Embiid at nalaglag sa 3-14.

Amen Thompson may 19 points at 13 rebounds,habang si Tari Eason nagdagdag ng 14 para sa Houston (14-6). Guerschon Yabusele nag-ambag ng 22 sa pagkatalo ng sixers.