Advertisers

Advertisers

CALOOCAN PERGALAN KING “ROGER BAGONG BARRIO” BAGYO KAY MAYOR ALONG

0 1,338

Advertisers

MARIING kinondena ng anti-crime and vice group ang kawalan ng aksyon at nakapagdududang pananahimik nina Mayor Dale “Along” Malapitan, Northern Police District (NPD) director Colonel Josefino Ligan, City Police chief Colonel Paul Jady D. Doles, at mga local government at barangay official ng Caloocan City sa inirereklamong pergalan (peryahang sugalan) na prente din ng kalakalan ng illegal drug sa lungsod.

Ayon sa grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), sentro ng reklamo ang pergalan na nag-o-operate ng 24/7 na matatagpuan sa barangay na nasasakupan ni Chairman Frankie Silva sa 1st Avenue, Grace Park Caloocan City dahil mistula itong mini-casino sa dami ng pasugal na dinadayo ng mga adik at sugarol tulad ng color games, hi-lo, beto-beto, kalaskas, drop balls, cara y cruz (Tao-Ibon) at iba pang uri ng illegal table at card games.

Bukod sa kinalolokohang mga sugal ay front din ng bentahan ng shabu ang naturang pergalan, na ang mga parokyano ay ‘di lamang matatanda kundi maging mga menor de edad, ngunit ang nakapagtataka ay hindi kumikilos sina Mayor Along, NPD Chief Col. Ligan, Local Police Chief Col. Doles, ganon din ang Congresswoman ng 2nd District na nakakasakop dito na si Rep. Mitz Cajayon-Uy.



Sinabi pa ng MKKB na karamihan sa nalululong sa pagsusugal sa naturang pergalan con drug den ay mga low income resident tulad ng tricycle at jeepney drivers, construction workers, vendors at informal settlers, ngunit ang nakakadismaya ay ini-engganyo pa ng gambling/drug operator na isang “Roger Bagong Barrio” at ng mga tagabantay o “poste” nito na sina Nesty at Resty na parehong kilalang drug pusher ang mga kabataan na magsugal at umiskor ng shabu.

Sapagkat ang Caloocan City ay bahagi ng CAMANAVA, kaya’t may malaking pananagutan si newly appointed NPD Chief, Col. Ligan, dahil sa patuloy na operasyon ng pergalan ni “Roger Bagong Barrio” na direktang sumusuway sa batas at repleksyon sa mahinang liderato ni PNP Chief, General Rommel Francisco Marbil.

Inaalam pa ng MKKB ang impormasyon nilang nakalap hinggil sa umano’y malaking payola o lingguhang intelhencia na inihahatid ni Roger Bagong Barrio sa mga tanggapan ng Caloocan City Police Headquarter, Caloocan City Police Station 2, at sa City Hall kapalit ng ‘di matinag na operasyon ng naturang pergalan na may shabuhan.

Kinukumpirma rin ng naturang civic group ang hinggil sa pinalulutang ni Roger Bagong Barrio na malakas ito sa mga pulis at lokal na opisyales at bagyo sa mga Malapitan, kaya’t hindi maaring matigil ang operasyon ng perwisyong pergalan.

Ibinunyag pa ng MKKB ang patuloy na operasyon ng Peryahan ng Bayan (PnB) bookies ng isang alyas John Yap, lotteng nina alyas Sola at Pinong sa siyudad ng Antipolo at sa lahat na mga bayan ng lalawigan ni Rizal Governor Nina Ricci Ynares.

Bukod sa operasyon ng PnB bookies ni alyas John Yap, lotteng nina Pinong at Sola ay nag-o-operate din sa naturang probinsya ang video karera at fruit games na kilala din sa tawag na “devil machines” nina Roa at Sola sa buong lalawigan na ang pinakamalawak na operasyon ay sa mga bayan ng Taytay, Cainta at Tanay.



Ang nakapagdududa din ayon sa MKKB ay tila walang muwang, dedma at walang aksyon laban dito si Rizal PNP Provincial Director, Col. Felipe Maraggun; at Gobernadora Ynares. (CRIS A. IBON)