Isang extortionist at nagpapakilalang campaign manager umano ni Governor Dennis ” Delta” Pineda ng Pampanga ang inirereklamo ng mga perya operators ng nasabing lalawigan.
Kinilala ang nagpapakilala umanong tao ni Governor Pineda na si alyas TOTOY BATO na nakapambiktima na ng ilang peryante na naghahanapbuhay sa Pampanga.
Hinihingian umano ang mga perya operators ng goodwill at regular na payola para umano sa campaign coffer ni Gov. Pineda ngayong nalalapit na 2025 midterm elections.
Nananakot pa umano itong si Totoy Bato na ipapahuli at ipapasara ang mga puwesto ng mga perya operators na ito sa Anonas, Angeles, Xevera, Mabalacat San Simon at San Nicolas.
Kailangan umanong dumaan muna sa kanya ( Totoy Bato ) ang lahat ng perya operators na gustong maglatag ng puwesto sa Pampanga.
Hawak umano ni Totoy Bato ang lokal na kapulisan at mga barangay officials ng Pampanga kaya maayos umanong makakapagnegosyo ang mga peryante kung sa kanya daraan at makikipag- usap.
Direkta umanong alam at may basbas dito si Gov.Delta Pineda,pagyayabang pa ni Totoy Bato.
Nabatid din na may ilang perya operators ang nabudol na ni Totoy Bato makaraang magbigay ng goodwill money pero di naman nakapag- operate at nakapag latag ng puwesto.
Totoo nga kayang bata ni Gov.Delta itong si Totoy Bato o manggagamit lamang ang hindoropot extortionist at con artist?
Sinisira ng kupal na si Totoy Bato hindi lamang ang pangalan ni Gov. Delta kundi ang pangalan ng buong pamilya Pineda.
Kilala natin ang mga Pineda at kailanman ay naniniwala tayong hinding hindi ang mga ito mag- aalaga ng isang salot na animal na tulad ni Totoy Bato.
Mga antigong public servants ng Pampanga ang mga Pineda kung kaya’ t imposible ang sinasabi ni Totoy Bato na alam ni Gov. Delta ang ginagawang pangongotong at pambubudol ng nagpapakilalang campaign manager ng gobernador.
Maraming matitino at desenteng tao ang pamilya Pineda para pangasiwaan ang campaign strategies and activities nito kaya malabo pa sa lubluban ng kalabaw ang ipinagyatabang nitong si Totoy Bato.
Pinapayuhan nating direktang magsumbong kay Gov.Delta Pineda ang mga nabiktima nitong si Totoy Bato at nakakatiyak tayong di ito kukunsintihin ng makatao at mabait na gobernador.
Sasala ang sandok sa palayok , pero tiyak na may kakalagyan itong walanghiyang si Totoy Bato.
Subaybayan natin…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA [email protected]