Advertisers
NASAWI ang isang pulis at sugatan ang isang kabaro nito nang mang-agaw ng baril at pagbabarilin sila ng isang bagong laya sa loob ng Carmona Component City Police Station, umaga ng Miyerkules, Hulyo 2, 2025. Sa report ni Major Robert Dimapilis ng Carmona City Police, kinilala ang nasawi na si Master Sargeant Joel Mendoza, at ang nasugatan ay si Staff Sargeant Joseph Martin Fabula. Base sa inisyal na imbestigasyon, inaresto si Al dahil sa reklamong ‘tresspasing’, su-bali’t habang nakaposas ito sa loob ng presinto ay bigla nitong inagaw ang Glock 9mm service fire arms ni Sgt. Mendoza at binaril ito pati si Fa-bula. Mabilis naman ang pagres-ponde ng mga kasamahang pulis ng mga biktima, gumanti ng putok, at napatay ang salarin. Agad dinala sa Perpetual Help Medical Center ang da-lawang sugatang pulis subalit idineklarang patayin si Sgt. Mendoza, habang ligtas na si Sgt. Fabula. Narekober sa crime scene malapit sa bangkay ng salarin ang baril ni Mendoza.(KOI LAURA)
Ang salarin ay kinilalang ay si alyas “Al”, 29 anyos, bagong laya mula sa Iwahig Penal Prison and Penal Farm sa kasong Murder noong June 28, 2025.