Advertisers
ISINIWALAT nitong Huwebes ni alyas “Totoy” na planong ipapatay siya ng negosyanteng si Atong Ang nang tanggihan niya ang alok na suhol, P300 milyon, kapalit ng kanyang pananahimik.
Ito ang ibinahagi ni Totoy, isa sa mga suspek na ngayo’y pangunahin nang testigo sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
“Binigyan niya ako ng papel para pirmahan ko kapalit ng pera,” aniya. “Sabi ko, hindi ko kayang tanggapin ‘yan dahil buhay ko at buhay ng pamilya ko ang nakataya dito.”
Ayon kay Totoy, naging target siya ng planong pagpatay na pinondohan at pinlano ni Atong kasunod ng kanyang pagtanggi sa alok.
“Actually, hindi man mahuli ang gagawin sa akin, papatayin na ako noon. Mabait lang ang Panginoon sa akin… Noong time na ‘yon, on the spot ako ang target para mapatay.”
Ibinunyag din ni Totoy na si Atong ang gumastos para sa kanyang taguan habang nagpapahayag pa siyang suspek sa kaso. Nagtago aniya siya sa mga lugar na pagmamay-ari ng mga kaanak at kaibigan ni Atong.
“Lahat ng tinaguan namin, binili niya. Kaya ko iisa-isa,” saad niya.
Inihayag ni Totoy ang mga alegasyon kasabay ng pagsasampa ng reklamo ni Atong laban sa kanya at kay alyas ‘Brown’ sa Mandaluyong Prosecutor’s Office nitong Hulyo 3.
Si Atong, kasama ang kanilang legal counsel na si Atty. Si Lorna Kapunan, ay pumunta sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office para sampahan ng patong-patong na kaso si Totoy.
Matatandaang lumantad si Totoy at pinangalanan sina Atong at Gretchen Barretto na silang may kinalaman sa pagkawala ng mga sabu-ngero,a hindi lang aniy 34 kundi 100 kasama ang 2 menor de edad na taga-patuka ng manok, at drug lord.
Tiniyak naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero na patuloy na iniimbestiga-han ng gobyerno ang kanilang mga kaso.
Ayon kay Remulla, nakausap na niya si Totoy tungkol sa posibleng pagpasok niya sa Witness Protection Program.
Ipinag-utos narin ni Pangulong “Bongbong” Marcos ang masusing imbestigasyon sa kaso.