Advertisers
SINUNGALING talaga itong mga National Democratic Front of the Philippines’ (NDFP). Habang pilit na sinasabi na sila ay sumusunod sa 1990 Convention on the Rights of the Child, taliwas naman ang mga pinaggagawa ng mga ito.
Mismong United Nations na ang nag-expose na patuloy ang pangrerecruit ng NDFP at ng armado nitong grupo na NPA sa ating mga kabataan, ay kabaligtaran pa rin ang kanilang sinasabi ng mga ito.
Sa isang pahayag ni Undersecretary Ernesto Torres Jr., Executive Director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, sinabi nitong sa patuloy na pagsisinungaling nitong NDFP, kitang-kita rito ang na di nila alam ang talagang nangyayari lalo na sa loob ng kanilang NPA.
Sa report nga raw ni UN Secretary-General António Guterres nakadetalye ang anim na malalang mga paglabag sa mga karapatan ng kabataan ng bansa. Una na rito and recruitment, violence, sexual abuse, attacks on educational and medical facilities, abductions, and blocking humanitarian aid.
Ang report na may pamagat na “Children and Armed Conflict in the Philippines,” ay pang-pito na mula January 1, 2022 hanggang December 31, 2023.
Patunay na rito, ang sabi ni Torres ang mga isiniwalat ng mga sumukong kabataang IPs o’ mga Indigenous People, na sila ay inabuso at minanipula. Taliwas sa kasinungalingan ng NDFP na kanilang kinukupkop ang mga ito.
Kasama rito ha, take note, ang mga namumuno sa CPP-NPA-NDF ay ginagamit ang kanilang posisyon para pagsamantalahan sekswal ang mga recruit na kabataan. Yan ay mula nang marecruit sila gamit ang mga cover na organisasyon hanggang sa mag-underground ang mga ito bilang mga NPA warrior.
Bukod diyan, nilalason nila ang kaisipan ng ating mga kabataan para makiisa sa kanila na ibagsak ang pamahalaan.
Sa dinami-dami ng taon ng kanilang pagtatangka, ilan dekada na nga ito, wala pa rin nangyayaring pananagumpay. Ang nangyayari lamang ay pinagsasamantalahan lang ang ating mga kabataan.
Di ba malaking kasinungalingan yan.