Advertisers
KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng isang babae nang sunugin ito at itapon ang bangkay sa bakanteng lote sa Bacoor City, Sabado ng umaga.
Inaalam pa ng Bacoor City Police ang pagkakakilanlan ng biktima at kung sino ang responsable sa kanyang malagim na kamatayan. Natagpuan ang bangkay nito sa bakanteng lote sa loob ng Masterpiece Property, Villar City, Barangay Molino 4, ng nasabing lungsod.
Sa inisyal na pagsisiyasat nina Police Corporal Gibson Sabandal at Patrolman Levin Sinatad, isang security guard na si Oscar Reymundo Hermoso, 59 anyos, ng Queensrow East, Bacoor City, Cavite, na naka-duty sa nasabing lugar ang nakadiskubre sa sunog na bangkay 7:15 ng umaga habang nagsasagawa ito ng roving inspection. Ini-report nito sa pulisya ang pagkakatagpo sa bangkay.
Naniniwala ang pulisya na hindi residente ng nasabing lugar ang biktima dahil sa walang nakakilala sa kanya sa barangay.