Advertisers
ARESTADO ang tatlong aktibo at isang AWOL na pulis na ‘diumano planong manghold-up sa isang establismento sa Meycauayan City, Bulacan, Sabado ng gabi.
Kinilala ang mga inaresto na sina Patrolman Reiniel Basilio, 34 anyos; Police Officer (AWOL) at dating nakatalaga sa Malabon CPS, ng 2424 Sitio Matarik, Camarin, Caloocan City; Corporal Jayson Medallada, 30, nakatalaga sa Caloocan City Police, ng Brgy. 176, Caloocan City; PSSg Mark Raian Vicente, 37, nakatalaga sa QC Police Station, ng Brixton Ville, Brgy. 175, Camarin, Caloocan City; at PSSg Noriel Macaraeg, 32, nakatalaga sa Caloocan City, at residente ng Navarro St. Ross Villa Brgy. 177, Caloocan City.
Sa report, 10:20 ng gabi ang mga suspek ay nasa kahabaan ng El Camino Road, Brgy. Perez, Meycauayan City.
Isinagawa ang operasyon nang makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen na may apat na kalalakihan na kahina-hinalang mga kilos at mayroon dala-dalang mga baril at ‘diumano’y may plano ang apat na manghold-up.
Nang hanapan ng mga operatiba ang apat ng mga kaukulang mga dokumento hinggil sa mga bitbit na mga baril, walang maipakita ang mga ito, dahilan upang arestuhin. Nang siyasatin, nakuhanan ang isa sa mga ito ng plastics sachet ng shabu.
Narekober ng mga otoridad sa mga suspek ang isang caliber .45 pistol, 4 units ng cal. 9mm pistol, PNP IDs, 9 cellphones, shabu na 23 grams, motorcycle helmets, iba’t ibang mga damit, 2 ball caps, 6 pcs ng bonnet, 2 pcs. LTO Motorcycle License Plates, isang Yamaha NMAX Motorcycle; at 2 Honda PCX Motorcycles
Nasa kustodiya ng Meycauayan City Police ang mga suspek.(Mark Obleada)