Advertisers

Advertisers

OFW inilagay sa washing machine ang anak ng amo

0 111

Advertisers

INIHAYAG ng Philippine Embassy in Kuwait nitong Sabado ang kanilang pakikiramay sa isang batang Kuwaiti na pinaslang umano ng isang Pilipinang domestic worker.

Ayon sa ulat, iniligay ng domestic helper ang bata sa washing machine sa bahay ng kaniyang mga amo na naging sanhi ng pagkamatay.

Sinubukan din umanong iligtas ng mga magulang ang kanilang anak nang marinig ang pag-iyak nito at agad na dinala sa ospital, ngunit dineklarang dead on arrival ang bata.



Ayon sa pahayag ng embahada, labis silang nabigla at nalungkot sa trahedyang kinasasangkutan ng Pilipinang domestic worker.

Makikipagtulungan ang embahada sa mga awtoridad ng Kuwait sa imbestigasyon sa “isolated” incident. Tinutulungan narin nila ang nakakulong na Pinay alinsunod sa batas at mandato ng Kuwait.

Samantala, ipinahayag ng embahada na ang insidente ay hindi sumasalamin sa pagkatao at komunidad ng mga Pilipino sa Kuwait.