Advertisers

Advertisers

Mommy, pinatay sa bugbog ng anak

0 15

Advertisers

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng 83-anyos na nanay nang patayin sa bugbog ng anak sa Calbayog City, Samar noong Sabado.

Sa ulat, wala nang buhay ang biktimang si Beatriz Tomnob nang madatnan ng mga pulis sa isang bahagi ng Barangay Gadgaran 9:00 ng umaga ng Enero 4, 2025.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Calbayog City Police Station na sariling anak ng biktima na kinilalang si Juan Paghunasan, 39, ang pumatay sa matanda.



Ilang beses na tinadyakan at saka kinaladkad umano ng salarin ang biktima ng mahigit 100 metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Sa kabila ng pagmamaka-awa ng ina, mistulang sinaniban umano ng masamang espiritu ang anak at walang habas na binugbog ang magulang.

Dahil sa katandaan at mahinang katawan, hindi nakayanan ng biktima ang hirap at nasawi noon din.

Naaresto kalaunan ang salarin at nasa kustodiya na ng pulisya. Inamin nito ang krimen pero tumangging sabihin ang dahilan ng pagpatay sa ina.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">