Advertisers
IPINATAWAG ng Commission on Audit (COA) ang Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Martes, Enero 7, dahil sa mga isyu sa cash-for-work program nitong Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Ito ay matapos makita ng state auditor ang ilang kaso ng umano’y excessive availments ng nasa 887 beneficiaries na nagkakahalaga ng P4.9 milyon dahil umano sa “lapses in the system.”
Inihayag ng COA na may ilang beneficiaries sa National Capital Region (NCR) na dalawang beses nakapag-avail ng programa na gumagamit ng maiden name at married surname subalit pareho ang contact number at address, o kaya’y iba ang birth date o mali ang spelling ng pangalan subalit pareho ang address.
Sa ibang rehiyon naman tulad ng Ilocos at Davao, ang double availments ay dahil umano sa typogra-phical errors at “high volume of TUPAD beneficiaries and deficiencies in the control features of the TUPAD Online System” na ginagamit sa pagproseso ng application.
“The noted deficiencies could have been avoided had there been effective monitoring of the data on prior availments that can be accessed by the concerned offices, and/or effective control measures that could prevent such occurrences considering that this is a recurring deficiency,” saad ng COA.
Nirekomenda ng state audit at sinang-ayunan ng DOLE, na i-require ang mga opisina na magsagawa ng dagdag na imbestigasyon at magbigay ng justification sa naging dobleng availment.
Nire-require rin ng ahensiya ang beneficiaries na may dobleng availments na i-refund ang overpayment ng TUPAD kung maaari.
Sinabihan din ng COA ang ahensya na magdagdag ng control measures sa pamamagitan ng pag-adopt ng automated check upang maiwasan ang duplication partikular sa NCR.