Advertisers

Advertisers

PBBM NAKIKIISA SA PAGDIRIWANG NG PISTA NG JESUS NAZARENO

0 7

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa makasaysayang pagdiriwang ng Pista ng Jesus Nazareno nitong Huwebes, Enero 9.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBBM na ang taunang tradisyon na ito ay patunay ng masidhing debosyon ng mga Pilipino na sumasalamin sa sakripisyo at pagmamahal ng ating Panginoon at tagapagligtas na si Jesus.

Ayon sa Pangulo, ang pagbubuhat ng krus ni Jesus ay isang paalala ng kanyang naging landas na puno ng paghihirap at tagumpay.



Aniya, ito rin ay sumasalamin sa pagsubok at pananampalatayang dapat taglayin ng bawat isa sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Makikita, ayon sa Presidente, sa malaking pagtitipon ng mga deboto ang pagkakaisa at camaraderie.

Ipinunto pa ng Punong Ehekutibo na ang ganitong pagsasama-sama ay nagpapatibay sa espiritwal na koneksyon at pananampalataya ng bawat isa.

Para sa lahat ng deboto, maging kalahok man sa prusisyon o hindi, ipinanawagan ni Pangulong Marcos na na nawa’y maramdaman ang presensya ng Makapangyarihang Lumikha at magsilbi itong inspirasyon upang magbigay ng tulong at serbisyo sa kapwa. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">