Advertisers
NAKIKIPAGLABAN ngayon kay kamatayan ang isang lalaki matapos barilin sa ulo ng isang punong barangay sa Bgy. Sta Isabel Sur, Ilagan City, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Reynaldo Terrenal, residente ng Sta. Isabel Sur, habang ang salarin ay kinilalang si Joseph Uy Jr, kapitan ng nabanggit na barangay.
Bago ang insidente ay nag-inuman ang dalawa kasama ang dalawa pang lalaki.
Habang nasa kalagitnaan sila ng inuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa, at umalis ang kapitan.
Pagkalipas ng ilang sandali, bumalik ang kapitan na may bitbit na long riffle at pinaputukan ang biktima sa ulo at mabilis na tumakas.
Nang mahimasmasan sa kalasingan, boluntaryong sumuko ang salarin sa pulisya.(REY VELASCO)