Advertisers

Advertisers

Police major sa P6.7b shabu sumuko sa CIDG

0 22

Advertisers

SUMUKO sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Police Major Michael Angelo Salmingo, isa sa 29 pulis na may warrant of arrest kaugnay ng P6.7 bilyong halaga ng shabu na nasamsam sa Tondo, Maynila noong 2022.

Batay sa impormasyon, 9:00 ng gabi ng Miyerkoles nang boluntaryong sumuko si Salmingo sa Regional Field Unit ng CIDG-NCR.

Bago ito, nakatalaga si Salmingo sa PNP Headquarters Support Service. Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Section 92 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Ang warrant ay inisyu ng RTC Branch 44 sa Maynila na may inirekomendang piyansa na P200,000.
Kasalukuyan nasa kustodiya ng CIDG Regional Field Unit ng National Capital Region si Salmingo para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon bago iharap sa korte.