Advertisers
AABOT mula 19 hanggang 20 bagyo ang posibleng papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kabuuan ng 2025.
Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Administrator Nathaniel Servando, posibleng tig-isang bagyo ang papasok sa mga buwan ng Enero, Pebrero, at Marso.
Pagkatapos ng summer, inaasahan na muli ang mas madalas na pagpasok ng mga bagyo sa bansa kung saan maaaring maranasan muli ang dalawa hanggang tatlong bagyo sa isang buwan, tulad ng mga nangyari sa nakalipas na taon.
Una nang inilabas ng weather bureau ang listahan ng 25 pangalan ng mga bagyo ngayong taon, kasama ang sampung auxillary name o karagdagang mga pangalan.