Advertisers

Advertisers

Integridad at kalayaan ng hudikatura ipinanawagan sa Korte Suprema

0 386

Advertisers

Nanawagan sa Korte Suprema ang isang grupo upang igiit ang integridad at kalayaan ng hudikatura.

Pinangunahan nina dating PACC Chairman Greco Belgica, Atty. Eduardo Bringas, at Retiradong Heneral Carlos Quita, kasama ang Truth and Justice Coalition, PDDS, at RoC n RoL Movement, personal silang nagpadala ng mga liham sa mga mahistrado ng Korte Suprema.

Sa kanilang sulat, hinimok nila ang mga mahistrado na resolbahin ang usapin ng impeachment sa batayan ng batas, iginiit nilang lumalabag ito sa “equal protection clause” ng Konstitusyon. Binigyang-diin din nila ang mga probisyon ng House Rules on Impeachment ng ika-19 na Kongreso, partikular ang tungkol sa “verification” ng reklamo.

Binanggit din ng grupo ang karanasan noong impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona, na ayon sa kanila ay may kaugnayan sa pagpapalabas ng DAP funds. Ayon sa datos na kanilang inilahad, tinatayang P742 milyon ang napunta sa ilang pumirma sa kasalukuyang impeachment complaint.

Dagdag pa nila, dapat matuto ang kasalukuyang pamunuan mula sa kasaysayan, iwasan ang maling naratibo, at pairalin ang hustisya at katotohanan para mapanatili ang tiwala ng taumbayan sa hudikatura.

Para sa kanila, ang Rule of Law at ang pananampalataya ang dapat maging gabay tungo sa matatag, maginhawa, at panatag na kinabukasan sa ilalim ng Ambisyon Natin 2040. (BONG SON)