Advertisers

Advertisers

Fetus hinulog ni mommy mula bintana ng ospital

0 10

Advertisers

NAHAHARAP sa kasong ‘infanticide’ kapag napatunayang sinadya ng 18-anyos na ina na ilaglag at itapon ang fetus mula sa kanyang sinapupunan sa bintana ng comfort room ng emergency room ng Catanduanes Doctor’s Hospital sa Barangay Valencia, Virac, Catanduanes.

Patay na nang suriin ng doktor nang matagpuan ang lalaking fetus, na halos nasa 12-inches ang haba at may timbang na 1.2 kilo.

Sa ulat, umaga ng Huwebes ay nagpunta ng pagamutan ang dalagang buntis dahil sa iniindang sakit ng tiyan.



Unang tumingin ang nurse at may nakapa umano itong bukol sa tiyan ng babae. Gayunman, dahil sa nararamdamang sakit ng tiyan ay nagpaalam ang babae na papasok ng banyo ng emergency room.

Ilang sandali ay nagulat ang security guard na naninigarilyo sa likurang bahagi ng gusali nang may bumagsak mula sa bintana ng emergency room, at nang tingnan ay tumambad ang duguang fetus. At mabilis niyang ni-report sa emergency desk.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Virac Municipal Police Station kasama si Police Staff Sgt.Jessica Timajo, ng Women and Children’s Desk Division, at inaresto ang suspek.

Nananatili sa ospital ang suspek para masuri sa kanyang kalagayan. Sa imbestigasyon, lumabas sa kopya ng CCTV camera na dalawang beses pumasok sa banyo ang babae at sa pangalawa ay natagalan na siya bago lumabas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">