Advertisers

Advertisers

Mag-asawa patay sa ambush

0 14

Advertisers

AGAD namatay sa mga tama ng bala ang mag-asawang Moro na in-ambush habang magkaangkas sa motorsiklo sa isang bahagi ng highway sa Barangay Damalusay, Datu Paglas, Maguindanao del Sur, Sabado ng umaga, January 18, 2025.

Sa inisyal na mga ulat ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, namatay mismo sa kungsaan tinambangan ang magkabiyak na sina Deru Dimaguil at Suraida Barhama Dimaguil, mga residente ng Datu Paglas.

Ayon kay Police Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, sakay ng kanilang motorsiklo ang mag-asawa, kasama ang kanilang walong-taon gulang na anak na babae nang sila ay pagbabarilin ng mga nakaabang sa kanila na mabilis ding nakatakas.



Ayon sa mga imbestigador ng Datu Paglas Municipal Police Station, masuwerteng nakaligtas sa pananambang ang anak ng nasawing mag-asawa.

Wala pang linaw sa mga imbestigador ng lokal na pulisya at mga kamag-anak ng mga biktima kung sino ang posibleng mga nasa likuran ng krimen.