Advertisers
ARESTADO ang isang ginang na tulak ng iligal na droga nang makumpiska ang mahigit P200k halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni P/Capt. Regie Pobadora, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang suspek na si alyas ‘Raquel’, 44, residente ng Valenzuela City
Inaresto ng mga operatiba ng DDEU ang suspek sa kanto ng Nangka at M. Tuazon Sts., Barangay Potrero, Malabon City 2:08 ng madaling araw
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 35 grams ng shabu na may standard drug price value na P238,000 at buy bust money.
Sasampahan ng DDEU ng ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, sa ilalim ng Article II ng RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Malabon City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)