Advertisers
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang malawakang job fair kung saan nagtipon ang mahigit isandaang mga kompanya at libu-libong aplikante.
Sa kanyang talumpati sa Career Con 2025 sa Pasay City, sinabi ni PBBM na layunin ng programa na mapababa pa ang antas ng kawalan ng trabaho o unemployment rate sa bansa.
Aniya, tampok dito ang pagsasanay at pagbibigay ng tamang kakayahan para sa mga aplikante upang makahanap ng dekalidad na trabaho ang mga ito.
Bukod dito, sinabi ng Pangulo na target ng pamahalaan na gawing regular ang job fairs sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Ibinida rin ni Pangulong Marcos na layon ng programang ito na dalhin ang oportunidad sa trabaho hindi lamang sa NCR, kundi pati na rin sa mga lalawigan. (Gilbert Perdez)