Advertisers

Advertisers

SHARON AT JANICE BIGAY TODO SA SAMPALAN SA ‘SAVING GRACE’

0 25

Advertisers

Ni Blessie Cirera

GRABE ang impact ng unang pagsasama sa teleserye nina Sharon Cuneta at Janice de Belen.

Tsika ni Sharon sa mediacon ng seryeng Saving Grace The Untold Story last Tuesday, nakatatlong sampalan daw sila na hinihingi sa kanilang mga role na pinagbibidahan ng batang si Zia Grace na sa murang edad ay matinding pag-arte na ang ipinakikita sa serye.



Sey pa ng Megastar, nalaman daw niya na marami pala silang pagkakapareho ng hilig ni Janice na ngayon lang nila nalaman sa kanilang pagsasama. Madali at makatotohanan nilang nagawa ang kanilang mga sampalan sa SG.

Bagama’t wala sa mediacon si Zia, tumanggap ito ng maraming papuri mula sa kanyang co-stars sa Saving Grace na tapos nang mapanood sa Prime Video kaya ngayon ay mapanunood na ito sa ABS-CBN, TV5 at Kapamilya Channel simula sa March 3, 9:30 ng gabi at sa direksyon nina FM Reyes at Dolly Dulu.

Nakasama naman sa presscon bukod kina Mega at Janice, sina Sam Milby, Elisse Joson at Eric Fructuoso.

Ayon sa cast ng Saving Grace, extended version daw ito at mas mapapanood nang buo. Marami pa anyang mapapanuod at ipakikita ang bawat karakter sa serye.

Sabi naman ni Julia sa kanyang balik-serye, marami umano siyang natutunan kina Sharon at Janice at dumating din siya sa puntong tunataguan si Zia dahil nahihirapan daw siyang makitang umiiyak ito sa eksena.



Sey nman ni Eric, hind raw aware si Zia na magaling ito at grabe ang hugot nito kaya binibigyang papuri naman ni Sam ang coach at parents ni Zia sa pagmo-motivate sa bata.

Tsika naman nina Janice at Sam, kapwa raw hindi nila pinanonood ang kanilang mga sarili sa kanilang serye.

Mas mag-eenjoy ang mga tagapanuod sa muling pagpapalabas sa free TV ng Saving Grace simula sa March 3, Lunes hanggang Biyernes ng gabi.