Advertisers
Ni Noel Asinas
MASAYANG nagkuwento ang actor-producer na si Tony Boy Dela Rea ng Paghilom movie, sa amin nang na-meet namin siya sa Rustan’s, na magkasama sila ni Jean Saburit, na napapanood ngayon sa GMA Afternoon soap, Prinsesa ng City Jail, sa RJ Bistro, Dusit Hotel, noong Valentine’s Day.
Ani Tony Boy: “Pareho naming paborito si RJ Jacinto, ang owner at lead singer ng RJ Bistro. Special Night ang show kaya ang daming guest. May pagkakataon na sumasayaw din kaming dalawa ni Jean.
“Naging close ko si Jean dahil common friend namin si Azenith Briones. Sa mga lakad namin ni Azenith, nakakasama rin si Jean.
” Tulad sa Fiesta Ball ng Silang, Cavite, my native town, magkakasama kami nina Jean at Azenith na nag-ballroom dancing. Hanggang napagod kami kasasayaw.”
Mabait sina Jean at Azenith sa kanya. At ease siya kasama ang dalawa.
” Masayang kausap si Jean at very friendly. Siempre, maganda at seksi kaya masarap ka-partner sa pagsasayaw.
“Si Azenith, gayundin, lagi niya ako invited sa mga social occasion sa bahay niya sa San Pablo City.”
Sa susunod na shooting ng Paghilom movie, kasama na sa cast si Jean. Producer sina Tony Boy at elder sister niyang dating PRC Commissioner na si Avelina Asinas Dela Rea. Gusto nang tapusin ni Tony Boy ang movie nang marami ang makapanuod.