Advertisers

Advertisers

Angelika kinasuhan ng plunder

0 10

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

KINASUHAN ng plunder ang actress turned politician na si Angelika dela Cruz.

Ang kaso ay iniharap sa Office of the Ombudsperson kahapon.



Inireklamo ang actress sa umano’y misuse ng P70 million public funds mula sa Barangay Longos.

Si Dela Cruz, na kumakandidato bilang Vice Mayor ng Malabon ay nahaharap din sa administrative charges na pagpapabaya sa kanyang puwesto bilang Barangay captain ng Longos dahil sa madalas niyang pagliban sa trabaho at walang pahintulot na paglilipat ng kanyang opisyal na mandato sa kanyang kapatid na si Kagawad Erick Dela Cruz.

Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Angelika hinggil sa nasabing usapin.

***

Mga nagwagi sa RetaShow 2025, Kiddie Edition, inihayag na



INANUNSYO na ang mga nagwagi sa ikalawang edisyon ng eco-friendly fashion show na Retaso na itinatag ng lungsod ng Quezon.

Sa nasabing kiddie fashion show, anim na designer ang nagpakitang-gilas sa kanilang mga ibinidang bagong likhang children’s wear mula sa discarded textiles sa event na binansagang Retashow 2025: QC’s Catwalk to Sustainability na ginanap sa Gateway Mall sa Araneta City, Cubao kamakailan.

Ang mga nagwagi ay nag-uwi ng P50 K na papremyo base sa kanilang pagiging malikhain at adbokasyang makatulong sa kalikasan.

Ang Retashow 2025 winners ay sina Nard Patrick Redoble ng Barangay Commonwealth, Nichole Samson ng Barangay Apolonio Samson, Atty. Katherine Añonuevo ng Barangay Sikatuna, Ma. Joy Pauline Castillano ng Barangay Talipapa, Hazel Roldan ng Barangay Batasan Hills, at Neil Bryan Capistrano ng Barangay Bagong Pag-asa.

“Ang pagbabago ay pwedeng magsimula sa isang ideya, sa isang sinulid, sa isang retaso. Let this runway be a symbol of possibility — that the future is not something we predict, it’s something we create,” ani Mayor Joy Belmonte.

Ang mga miyembro ng inampalan ay binuo nina Camille Rose Albarracin, founder ng Everything Green; Fred Leysa, associate manager ng Repamana; at Rhodel Sazon, marketing services and advertising and promotions manager ng Araneta City.

Bago ang grand show, ang 24 finalists ay sumailalim sa intensive seminars at workshops tungkol sa sustainable design techniques na pinamunuan ng industry experts tulad nina Dars Juson ng Repamana, Chris Roxas ng Brave Story, at Ally Gutierrez ng Repamana.

Ang Retashow ay isang inisyatibo ng lungsod ng Quezon na layuning labanan ang problema ng textile waste, gawing kapaki-pakinabang ang recycling para sa designers at maisulong ang environmental awareness.

Ito ay proyekto ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pakikipagtulungan ng Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department.